276

By

‘Ex-BF’ ni Mocha tatakbong senador

Sharing is caring!

Nagpakilalang ‘ex-boyfriend’ ni dating PCOO Asec Mocha Uson si Agi Tuana, 39-anyos, ang gustong tumakbo sa pagka-senador.

Isa si Tuana sa mga senatorial aspirant na pumunta sa Commission on Elections ngayong Huwebes ngunit hindi nakapag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) dahil sa kakulangan ng dokumento.

Sinabi ni Tuana na nagkaroon sila ng relasyon ni Mocha noong matagal na panahon na.

Kung mae-elect bilang senador si Tuana, kanya raw ibababa ang presyo ng gasolina, basic needs, at sosolusyonan ang krimen at trapiko sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?