17

By

Ex- beauty queen pinanawagan ang imbestigasyon sa mga pageant

Sharing is caring!

Isa pang former beauty queen ang nagsalita tungkol sa isyu ng sexual harassment sa mga pageant.

Sa kanyang Instagram, pinahayag ni Miss Global Philippines 2017 CJ Hirro ang kanyang mga naranasang pambabastos mula sa mga sponsor ng mga pageant.

“Sexual harassment in the pageant IS REAL, and oftentimes, it’s the organizers that pave way for it, whether intentionally or otherwise,” sabi pa ni CJ sa kanyang post.

Umaasa din ang dating beauty queen na magkakaroon ng pagbabago sa conduct ng mga pageant lalo na ngayon at marami nang kababaihan ang nagsasalita laban sa harassment. Hiling din niya na magkaroon na ng isang ahensiya na mamamahala sa lahat ng pageant.

“I really hope that someday, there will be a body that will govern all national male and female pageants from payment of promised winnings, conduct of pre and post pageant activities, and contract review, among any,” ayon pa sa pahayag ni CJ.

Dagdag pa niya, “Pageant directors and organizers should be subjected to yearly reviews for clearance to conduct another pageant, and should be penalized for wrongdoings.”

Panawagan din ni CJ sa iba pang beauty queen na magsalita laban sa sexual harassment sa mga pageant sa mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?