65

Nov 24, 2021 @ 16:53
By

Ex-Battalion, ‘BTS ng hip hop’ – producer

Maikukumpara umano ang kasikatan ng Pinoy hiphop group na Ex Battalion sa Korean boy band na BTS, ayon sa isang concert producer.

“Of course, alam natin na hindi sila K-pop, pero ang equivalent nila, sila ang talagang hip-hop stars na parang BTS na rin ang datingan nila,” saad ng producer na si RS Francisco, ayon sa ulat ng PEP.ph.

“’Yung Instagram ko at saka ang Facebook ko, ang daming nagme-message sa akin dati about Frontrow,” kwento pa ng producer.

“Pero noong makita na meron akong My Day about EXB, ang dami nang nagme-message sa akin, kumusta si ganito? Ano ba ang latest?”

“As in ang dami na talaga na ang grabe ng clamor sa kanila. So masasabi ko na hindi man sila K-pop, pero parang kapantay na nilang talaga ang ano ng BTS,” saad pa nito.

Magkakaroon ng digital concert ang Ex Battalion sa December 11, 2021, kung saan ang VVIP ticket ay nagkakahalaga ng P35,000.

Ang Ex Battalion ay binubuo nina Honcho, Skusta Clee, Flow-G, King Badger, Emcee Rhenn, Brando, Jroa, Yuridope, Kekkpot, Huddasss, Jnskie, Bullet-D, Cent, at E.I.J.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?