arrested-

Ex-barangay chairman sa Maynila, kulong sa graft

Sharing is caring!

Hinatulan ng Office of the Ombudsman ang dating punong barangay ng Brgy. 772, Zone 84, District 5, ng Maynila sa paglabag sa Sections 3(e) at 3(b) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa desisyon ni Judge Rosalyn Mislos-Loja, ng Branch 41 ng Regional Trial Court (RTC) ng Maynila, sinentensiyahan si ex-barangay chairman Bonuso Libay ng walong taon na pagkakulong sa bawat paglabag at hindi na puwedeng humawak ng anumang posisyon sa public office.

Ayon sa nagreklamong si Franco Espiritu, ng F.R.C.G.E Trading, isang supplier, nanghingi sa kanya ng P10,000.00 ang dating tserman noong Enero 20, 2012 kapalit ng pag-apruba at pagpirma nito sa disbursement voucher na kabayaran sa bigas, pintura at brushes na diniliber ni Espiritu sa barangay.

Bilang ebidensiya, ipinakita ni Espiritu ang Acknowledgement Receipt na pirmado ni Libay.

Pinabulaanan naman ni Libay ang mga kaso laban sa kanya at sinabing peke ang pirma sa Acknowledgement Receipt.

Hindi naman kinagat ng RTC ang depensa dahil lumabas sa ginawang eksaminasyon ng National Bureau of Investigation sa pirma, na magkapareho at iisang tao lang ang pumirma sa standard sample signatures ni Libay at sa resibo na iprinisenta ni Espiritu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?