1,239

Jul 30, 2018 @ 10:38
By

Ex-barangay chairman inambus; pulis na gunman todas

Napatay ang isang suspek na nanambang sa isang dating barangay captain sa Villagonzalo 2, Barangay Tejero, Cebu City kaninang umaga.

Ayon sa inisyal na ulat, nakaligtas sa ambush si dating barangay captain Jessielou Cadungog kaninang alas-nuwebe ng umaga.

Tumimbuwang ang isang gunman nang makaganti ng putok ang kasama ni Cadungog.

Isa umanong pulis ang nasawing suspek na may ranggong Police Officer 2 (PO2) habang ang isa pang suspek sa pananambang ay nasa kustodiya na umano ng Criminal Investigation and Detection Group 7.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente habang isinusulat ang balitang ito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?