139

By

Ex-Army captain, pinsan at kaibigan huli sa P30M extortion

Nadakip sa entrapment operation ang isang dating opisyal ng Philippine Army, pinsan nito at kaibigang dating reservist matapos mangikil ng P30 milyon sa isang negosyanteng Chinese.

Ikinasa ang operasyon sa Taguig City kung saan naaresto si dating Army Captain Mark Mediamar, pinsang si Rustico Samarinta at dating reservist na si Antonio Monte de Ramos.

Ayon sa ulat, nagpanggap umanong National Bureau of Investigation agent si Mediamar at tinakot ang biktimang Chinese na sasalakayin ang negosyo nitong online gaming dahil iligal umano kung hindi siya magbibigay ng P50 milyon, na natawaran ng P30 milyon.

Sa kabila na alam ng Chinese na legal ang kanyang negosyo, natakot pa rin ito sa banta ng suspek.

Lumabas sa imbestigasyon na ang kaibigan ni Mediamar na si De Ramos ang utak ng extortion.

Limang taon umanong naging driver ng Chinese si De Ramos kaya ito ang nagplano ng pangingikil.

Napaamin si De Ramos sa ginawa at pinagsisihan ang pagkasilaw niya sa pera dahil sapat naman umano ang kinikita niyang P20,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery-extortion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?