87

Oct 26, 2017 @ 18:26

Ex-AFP Chief Año, gustong gawing assistant ni Duterte

Dahil hindi agad makakaupo bilang susunod na kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), pinapipili ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Eduardo Año kung gusto nitong maging Special Assistant to the President (SAP) o maging undersecretary na mangangasiwa sa kapakanan ng mga pulis katulong si DILG Secretary Catalino Cuy.

Sa kanyang talumpati kahapon sa Change of Command sa Kampo Aguinaldo, sinabi ng Pangulo na tali ang kanyang kamay para italaga si Año bilang susunod na kalihim ng DILG dahil may batas na one-year ban sa bansa sa AFP para mailagay sa civilian post ang isang nagretirong opisyal.

Nagbiro ang Pangulo na kung gusto ng dating AFP chief ay maaari na itong mag-report ngayong Biyernes sa Malacañang.

“Gen. Año goes to be ..afrom a general to a secretary of the cabinet. He would head the Dept. of Interior and Local Government…but while he is prohibited from assuming the task for one year, and that is the law from the military service to the civilian sector you have to wait for one year. Either he takes the title of a Special Assistant to the President or the Undersecretary, whichever is tenable legally, and he will now supervise the Philippine National Police together with Gen. Lito Cuy,” ang pahayag ng Pangulo.

Matatandaang inanunsiyo ng Pangulo ang puwestong ibibigay kay Gen. Año sa sandaling magretiro ito sa military service dahil kailangan aniya nito ang mga militar para tulungan siyang magpatakbo sa gobyerno.

Ayon pa sa Presidente, ang mga retired general ay alam ang ginagawa at pulidong magtrabaho. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?