39

Sep 10, 2021 @ 18:58
By

Ex-adviser ni Digong ‘padrino’ ng Pharmally

Lumalabas na “middleman” o “padrino” diumano ng Pharmally Pharmaceutical Corp., ang dating adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang sa mga Chinese supplier para sa pagbili ng Covid-19 related na mga suplay.

Sa pagpapatuloy na pagdinig ng Senate blue ribbon committee, tinanong ni Senador Panfilo Lacson si Yang tungkol sa kanyang kaugnayan sa Pharmally, ang kumpanyang nakakuha ng P8.6 bilyon kontrata sa gobyero para sa suplay ng personal protective equipment (PPE), face mask, face shield at iba pa.

Sagot ni Davao-based na negosyanteng si Yang, wala siyang relasyon sa operasyon ng Pharmally.

“Mr. chairman, Mr. Yang said he doesn’t know [Pharmally] and he has no relation to Pharmally,” sagot ni Yang sa pamamagitan ng kanyang interpreter.

Sabi nito, sa simula’y wala siyang alam sa operasyon ng Pharmally subalit inamin nitong lumapit umano ang kumpanya para humingi ng tulong.

“Initially, he [Yang] doesn’t know the existence, whereabout of Pharmally. Later on, they did approach him for some assistance. In terms of operation, he is not involved, no idea,” sambit pa ng interpreter.

Sa pagtatanong pa ni Lacson, inamin ng isang opisyal ng Pharmally na si Linconon Ong, na tinulungan sila ni Yang ng maghanap ng supplier sa Chinese para sa suplay ng PPE at iba pang medically supply sa gitna ng pandemya.

“May pinapakilala talaga siya. Kung may discussion sila hindi ko na alam,” pahayag ni Ong .

“In addition to that, he also guarantees for us. Nag-guarantee siya para sa amin kasi totoo po yung analysis ni Mr. Chairman na medyo challenging talaga pag dating sa financial,” dagdag nito.

“I think medyo may na-miss si interpreter kanina. I think Mr. Yang also mentioned that he guarantees for us,” ayon pa kay Ong.

Nauna rito, sinabi ni Yang, wala siyang papel sa kontratang pinasok ng Pharmally sa apat ng Chinese suppler na inirekomenda nito sa kanya.

“He [Yang] only introduced and they discussed on their own,” sabi ng interpreter.

Sinabi naman ni Pharmally president at chairman Huang Tzu Yen na wala siyang direk na kontak kay Yang mula noong una niya itong nakilala taong 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?