252
dead-body
By

Ex-ABS-CBN reporter pinaslang sa Cotabato

Patay ang isang dating reporter ng ABS-CBN matapos ma-ambush sa Cotabato City, Miyerkoles ng gabi,

Kinilala ang biktima na si Archad Ayao, 28-anyos, dating broadcast journalist na naging human rights investigator ng Bangsamoro Regional Human Rights Commission, kasama pa ang isang habal-habal driver na si Pio Orteza, 42-anyos.

Bandang alas-6 ng gabi nangyari ang pananambang, namatay ang dalawa matapos barilin san Don Ramon Rabago Avenue, Barangay Rosary Heights 4, Cotabato City.

, said Ayao was onboard the motorbike driven by Orteza, and while traversing along Don Ramon Rabago Avenue, the duo was shot from behind by motorcycle riding-in-tandem gunmen.

“Both sustained gunshot wounds in the head,” ayon kay Police Major Ramil Villagracia, ang City Police Station 2 commander.

Dinala pa sa ospital ang dalawa ngunit dineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.

Inaalam pa ng awtoridad ang naging sanhi ng pananambang kay Ayao, posibleng anggulo ang pagiging imbestigador nito sa Human Rights Commission.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?