269

By

‘Evil’ ang sistema! Party-list ginagamit ng mayayaman – Duterte

Giniit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagamit lang ng mga mayayamang tao ang party-list system para manatili sila sa kapangyarihan.

Sa speech ni Duterte sa Cagayan De Oro, nilarawan niya bilang ‘evil’ ang party-list system sa bansa na dapat sana ay para sa mga marginalized sector ng lipunan ngunit napupuno aniya ng mayayaman.

“Everyone involved there are the rich,” ayon sa Pangulo.

“The rich people fund the party-lists. They are named after laborers but the people behind it are the millionaires. So they stay in power there.”

Ayon sa Kontrra Daya, nasa kalahati ng party-list group na tumakbo noong nakaraang halalan ay kuwestiyonable ang mga adhikain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?