96

Dec 11, 2017 @ 9:34
By

Event ni Macaranas tsugi rin sa Asiad

‘Di pa sumasagwan talo agad.

Isa pang posibleng gold medal ang agad na lumubog na para sa Pilipinas sa nalalapit na 18th Asian Games nang alisin ng Indonesia Asian Games Organizing Committee (IAGOC) ang isa sa individual event ng canoe-kayak na canoe 1-200 meter men’s singles.

Sinabi ni Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF) president Jonne Go, ang pag-alis sa tampok na event habang idinaraos kahapon ang 4th PCKDF Tournament na serye ng 2017 Club Crew Challenge Championship sa CCP Bay Terminal, Pasay City.

“Hermie (Macaranas) is our strongest bet for a possible gold sa Asian Games kaya siguro inalis nila ang event,” ani Go, sa 22-anyos na si paddler, na kaduduplika lang ng kanyang 15th place sa International Canoe Federation World Under 23 Sprint Championships sa Pitesti, Romania.

Tumapos ang dating 2-time SEA Games bronze medalist na si Macaranas na ika-6 na puwesto sa siyam na sumabak sa Final-B ng Men’s 200 meters. Nag-iisang finalist sa Asian region, si Macaranas na nagtala ng 43.37 segundo na 1.2 ungos sa nagwaging si Stephen Frodhsam ng Canada.

Tanging naiwan na lamang kay Macaranas para sa tsansang makapagwagi ng medalya ay ang pakikipagpareha sa 19-anyos na si Ojay Fuentes para sa canoe men’s doubles 200m kung saan pinakahuling itinala ng dalawa ang pang-apat na puwesto sa World Championships.

Bagop matapos ang nakaraang linggo, binmaklas din ng IAGOC ang siyam na events kabilang ang BMX cycling kung saan naharbat ng bansa ang tanging gold mula kay Fil-Am Daniel Patrick Caluag sa 2014 Incheon Asiad.

Nagwagi sina Macaranas at Fuentes ng apat na medalya sa 2014 Southeast Asian Canoe Sprint Championships sa Marina Bay Reservoir sa Singapore. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?