10

By

Evasco isinabit sa komiteng makikipagdayalogo sa Simbahan

Sharing is caring!

Dinagdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang three-man panel na inatasang makipagdayalogo sa mga religious organizations para maayos ang iringan sa pagitan ng gobyerno at simbahan.

Inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na pang-apat si Secretary to the cabinet Leoncio Evasco jr.

Ayon kay Roque, si secretary Evasco ay dating pari at malaking bentahe ang kanyang mga nalalaman para maayos ang hindi pagkakaintindihan sa simbahan.

“The President designated a fourth member to the committee to hold dialogues with the different churches Cabinet secretary Evasco jr.

I suppose his contribution is because he’s an ex-priest himself and he is familiar with the dogma of the catholic church,” ani Roque.

Umaasa ang kalihim na maging positibo ang resulta ng kanilang pakikipagdayalogo sa Simbahan at sa iba pang religious organizations para maplantsa ang mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Pangulo at ng simbahan.(aileen taliping)##

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?