47

Dec 24, 2017 @ 14:09

Evans, Gasol kumana sa panalo ng Grizzlies vs Clippers

Nagtala si Tyreke Evans ng 30 points at 11 assist habang may 17 points at season-high 15 rebounds si Marc Gasol para maputol ang kanilang 3-game losing streak sa pamamagitan ng 115-122 panalo kontra the Los Angeles Clippers nitong Sabado (Linggo sa Manila time).

May pagkakataon itabla ng Clippers ang laban sa huling 21 seconds subalit malagkit na depensa ang inilatag ng Memphis na nagresulta sa bad pass ni Lou Williams.

Ang panalo ay pangatlo sa huling 22 laro ng Memphiso.

Nagsalansan naman ng 30 points para sa Clippers si Austin Rivers habang may 36 naman si Williams. Subalit wala ng ibang manlalaro ng Clipper ang nakapagtala ng double figures.

Si DeAndre Jordan, ang leading rebounder ng NBA ay humablot ng 18 boards..

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?