29

Oct 18, 2017 @ 14:24

Evacuees sa Marawi City, bawal munang bumalik

Hindi pa pinapahintulutan ang kagustuhan ng mga residente sa 49 na barangay sa Marawi City na makabalik na sa kanilang mga bahay sa kabila na idineklara nang ‘cleared’ ng mga awtoridad ang nasabing lungsod.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Romina Marasigan, kahit may declaration of liberation na si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Marawi ay hindi pa rin maaaring makabalik ang mga evacuees sa kanilang mga bahay.

Napaka-delikado pa, ayon kay Marasigan, na bumalik sa kanilang mga bahay ang mga ito dahil posibleng may natitira pang mga bomba sa lugar.

Sa ngayon, anang tagapagsalita, mayroon pang 47 barangay ang hindi pa ‘cleared’ sa Marawi City na ngayon ay target pa ng clearing operation ng AFP.

Aabot naman sa 78,000 evacuees ang nananatili pa sa mga evacuation centers. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?