67
mayon-evacuees
Mar 6, 2018 @ 17:38
By

Evacuees sa Bulkang Mayon, umpisa nang pinauuwi

Mababa na ang banta ng pagkakaroon ng hazardous eruption ng Bulkang Mayon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bunsod nito ay ibinaba na sa Alert Level 3 ang alert status ng bulkan mula sa dating Alert Level 4.

Sa monitoring ng Phivolcs, mababa na ang tiyansa sa pinangangambahang panganib na pagsabog ng Mayon, kapansin-pansin din umano ang pananahimik ng bulkan kung saan sa mga nakalipas na araw ay walang naitalang aktibidad.

Subalit mananatili umano ang pagpapatupad ng 6-kilometer danger zone at 7-kilometer precautionary Extended Danger Zone sa mga bayan ng Anoling, Camalig hanggang Sta. Misericordia at Sto. Domingo kung saan bawal pa rin ang paglipad ng mga eroplano sa bunganga ng bulkan.

Samantala, matapos ang pagbaba ng alert level ay agad na iniutos ng Albay Public Safety and Emergency Management Office ang decampment sa mga evacuation center.

Sinabi ni APSEMO Director Cedric Daep na 10,836 residente pa ang maiiwan sa mga evacuation center dahil na rin sa nakatira ito sa loob ng 6-kilometer danger zone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?