94

Feb 22, 2020 @ 19:05
By

Evacuation ng mahigit 400 Pinoy sa Japanese cruise ship, pinagpaliban

Hindi muna matutuloy ang paglilikas sa 400 Filipino na naka-quarantine sa Diamond Princess cruise ship sa Japan nitong Linggo, Pebrero 23.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Health, nagkasundo ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na i-reschedule ang evacuation sa susunod na linggo.

Ito raw ay upang makumpleto ng mga Japanese health official ang ginagawang laboratory testing para sa coronavirus sa nabanggit na bilang ng mga Pilipino.

“IATF-EID is adjusting the schedule out of an abundance of caution with a view to safeguarding the health and safety of our OFW onboard the Diamond Princess cruise ship,” bahagi ng statement ng DOH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?