22

Mar 25, 2021 @ 15:44
By

Evacuation center sa bawat siyudad, munisipyo pasado sa Kamara

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagtatayo ng permanenteng evacuation center sa bawat siyudad at munisipyo sa bansa.

Walang tumutol sa pagpasa ng House Bill 8990 na nakakuha ng 195 boto sa sesyon ngayong Huwebes.

Ayon kay House Committee on Disaster Resilience chairperson at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, mahalaga ang pagtatayo ng matibay na evacuation center upang hindi malagay sa panganib ang buhay ng mga ililikas dito.

Ang itatayong imprastraktura ay hindi dapat masira ng hangin na umaabot ang bilis sa 300 kilometro bawat oras at lindol na may lakas na magnitude 8.0.

Ang pasilidad ay dapat mayroon ding mga cubicle na kasya ang hindi bababa sa lima katao, mayroong kusina at labahan na magagamit ng lahat, generator at may maayos na suplay ng tubig.

Ayon kay Quezon Rep. Angelina Tan, may-akda rin ng panukala, dapat mabantayan ang kapakanan ng mga vulnerable individuals gaya ng senior citizens at mga sanggol sa kanilang pananatili sa mga evacuation center.

“Congestion in most evacuation centers usually puts at risk senior citizens, the disabled, children and pregnant women who are more vulnerable to diseases. Moreover, this proposal can minimize the loss of lives by bringing the evacuation centers nearer to the populace and at the most accessible and safe areas,” ani Tan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?