1,500

Dec 3, 2021 @ 18:14
By

Eusebio pinitik kawalan ng Christmas decor sa Pasig, niresbakan

Pinuna ng dating alkalde ng Pasig City ang kawalan ng dekorasyon na pang-Pasko sa lungsod.

Aniya, hindi ramdam ng mga Pasigueño ang diwa ng Pasko dahil sa kakulangan ng mga dekorasyon tulad ng Christmas lights at parol.

Kinuwestiyon din niya kung apektado ba ng COVID-19 pandemic ang paghahanda sa Pasko ng Pasig.

“Parating na siya si Hesukristo ang ating manunubos. Pasig, Ano na ang nangyari? Walang parol? Walang kumukutitap sa kalsada? Hindi maramdaman ang diwa ng Pasko,” saad ni ex-Pasig Mayor Bobby Eusebio sa Facebook post.

“Pandemic pa din ba ang dahilan? Dito sa atin, ito ang makikita sa ating Lungsod,” dugtong niya.

Sa kabila nito, ilang netizen ang ipinagtanggol si incumbent Pasig Mayor Vico Sotto.

“Maganda ho ang alokasyon ng budget ng Pasig ngayon. Mas malaki ang natipid na pwede pa ilaan sa ibang bagay. May mga pailaw naman hindi nga lang ganun kaengrande pero hindi naman yun ang mahalaga. Mas prayoridad ngayon ang kalusugan kaya malaki ang pondong nakalaan dito. Madami pa hong problema mayroon ang lungsod bukod sa pandemya, sana ho hindi tayo ganto kababaw,” comment ni Aims Teoxon.

“Tama.. May mga bagay na prioridad ng gobyerno ng Pasig.. Kesa gamitin sa mga bagay na magiging dahilan pa ng kurapsyon.. Ayos yan Para tipid den sa kuryente,” segunda naman ni Jhoon Banaag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,