16

Sep 21, 2020 @ 15:54
By

European Union nauuto ng mga galit kay Duterte – Palasyo

Walang magagawa ang Malacañang kung itutuloy ng European Union (EU) ang pagsuspinde sa Generalised Scheme of Preferences Plus (GSP) para sa duty-free entry ng mga produkto ng Pilipinas sa mga bansang kasapi ng EU.

Inihayag ito ng Palasyo kasunod ng banta ng EU dahil sa umano’y lumalalang paglabag sa human rights sa Pilipinas pati na rin ang pag-atake umano sa press freedom.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na misinformed ang EU sa tunay na nangyayari sa bansa at napapaniwala sila ng mga grupong galit sa Duterte administration.

Kung itutuloy aniya ng EU ang pagsuspinde sa duty-free ng mga produktong Pilipino, wala aniyang magagawa ang gobyerno kung mas masaya silang makadagdag sa pahirap na nararanasan ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya.

“Iyan po ay result of misinformation at kung talagang magpipilit na magdagdag ng pahirap ang EU sa panahon ng pandemya, nasa kanila po ‘yan,” ani Roque.

Kabilang sa demand ng EU sa gobyerno ng Pilipinas ay ang pagpapalaya kay Senadora Leila de Lima at ang pagbawi sa conviction ni Maria Ressa ng Rappler.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?