24
mike-arroyo1
May 15, 2018 @ 17:00
By

Europe trip ni Mike Arroyo, Ok sa Sandiganbayan

Pinayagan ng Sandiganbayan 7th Division si dating First Gentleman Mike Arroyo na bumiyahe sa 3 bansa sa Europa mula May 23 hanggang June 10, 2018.

Pupunta si Arroyo sa Madrid at San Sebastian sa Spain; Lisbon, Portugal; at Prague, Czech Republic. Hindi nito binanggit sa kanyang mosyon ang pakay sa European trip.

Itinakda ng anti-graft court ang mga kondisyon para sa biyahe ng dating unang ginoo kabilang ang pagprisinta sa kanyang sarili sa korte pagbalik ng Pilipinas, gayundin ang paglalagak ng P90,000 na travel bond na sakop na rin ng kanyang huling biyahe noong Enero.

Matatandaang noong nakaraang buwan ng Pebrero ay pinayagan rin ng Sandiganbayan si Arroyo na magtungo sa Taipei.

Nahaharap sa mga kasong graft si Arroyo at ibang dating opisyal ng Philippine National Police dahil sa bentahan ng second-hand choppers na pinalabas na brand new noong 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?