28

May 15, 2021 @ 20:30

Eumir absent sa ABAP meeting

Kinunsulta ng pamunuan ng Aliance of Boxing Association of the Philippines (ABAP) ang mga bumubuo sa Olympic bound boxing team para malaman ang mga pangangailangan nito Biyernes kung saan muling hindi nakasama ang isa nitong qualifier na si Eumir Felix Marcial sa ginanap na virtual meeting at consultation.

“Had a nice virtual meeting this afternoon with our Olympic Boxing team to Tokyo. They are in Muaklek, at the Thai National Sports Training Center, 2 hours drive north of Bangkok,” sabi sa post ni ABAP Secretary General Ed Picson matapos ang pakikipagpulong sa pambansang koponan.

“They are in an isolated, massive but impressive facility. They’ve been there since March 10 and intend to stay there until it’s time to fly to Tokyo. Discussed what they still need so we can order/send to them asap.”

Nakausap ni Picson sina elite men’s head coach Ronald Chavez, dating women’s world champion Nesthy Petecio at Olympic Qualifier sa flyweight Carlo Paalam, Olympic qualifier Irish Magno at ABAP Sports Psychologist Marcus Manalo at si elite women’s head coach Boy Velasco at Australian Coaching Consultant/Training Director Don Abnett. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?