201

Dec 27, 2017 @ 18:15
By

Eugene Domingo ‘Leila de Lima’ ni Jinggoy?

KITANG-KITA mong masaya ang buong pamilya ni dating Sen. Jinggoy Estrada dahil kasama na nila ito sa biyahe sa ibang bansa. Nag-post nga lang ng travel bond sa Sandiganbayan, kaya pinayagang lumabas ng bansa si Jinggoy may kinakaharap pa ring kaso.

Kaya naluluha rin si Precy Ejercito na nagsalitang kasama na nila ang asawa sa labas ng Camp Crame. Umalis sila patungong Hong Kong kamakalawa at masayang ipinost ni San Juan Vice Mayor Janella Estrada sa kanyang social media account na kumpleto na silang nagbiyahe sa ibang bansa.

“Finally the fambam is complete! Hong Kong bound!” sabi ni Vice Mayor Janella.

Bago mag-Bagong Taon ay babalik naman daw sila para makapiling ang buong pamilya sa pagpasok ng 2018. Napangiti na lang si Jinggoy nang tinanong namin kung totoong gagawa nga ba siya ng pelikula na may tentative title na Basta Driver, Sweet Lover.

Pinaalala namin sa kanya na meron nang ganu’ng pelikula, pero nag-iisip pa raw sila ng magandang subtitle.

Nginitian lang niya kami nang tinanong namin kung hango nga ba sa kuwento ng love affair nina Sen. Leila de Lima at Ronnie Dayan ang kuwento ng pelikula.

Basta sabi lang niya, si Eugene Domingo lang daw ang naisip niyang gumanap na amo niya, dahil driver siyempre ang role niya rito. Magaling daw kasi mag-English at bagay na bagay raw sa naisip nilang outfit na ipapasuot nila.

Hindi lang daw matanggap ni Uge sa ngayon dahil naka-focus daw ito sa stageplay na gagawin niya. Sa February 2018 daw mag-start sa PETA ang stageplay ni Uge na Night, Ma ang title.

Mukhang hihintayin naman siya ni Sen. Jinggoy, dahil wala na raw silang maisip na puwedeng ipalit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?