88

May 25, 2019 @ 19:54
By

Eugene Domingo hindi bet magkaanak

Hindi gaya ng ibang babae, hindi nangangarap magkaroon ng baby ang komedyanang si Eugene Domingo.

Ayon sa 47-anyos na aktres, ayaw na raw niyang dagdagan ang dami ng tao sa mundo.

Isa pa umano ay hindi na siya kabataan at mas gusto na lang niyang mag-enjoy at mag-travel.

Ayos na rin aniya sa kaniya ang pagtulong sa pamilya at mga pamangkin.

“Thankful na ako na I help my family, my nephews, other people, okey na ‘yun. In my next lifetime siguro, pero as of now, gusto ko na i-baby ako ng baby ko. Magbebeybi-beybihan na lang ako,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?