127

Jan 19, 2021 @ 14:55
By

Etta Rosales kay Galvez: Mag-resign ka na!

Hinimok ni Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales si vaccine czar Carlito Galvez Jr. na magbitiw sa pwesto dahil sa pangungurakot nito sa mga kukuning bakuna kontra COVID-19 ng bansa.

Sa isang pahayag, inilarawan ni Rosales ang mga makukuhang bakuna bilang “inaccessible” at “overpriced.”

Aniya, hindi makatarungan ang galit ng gobyerno tuwing nalalabag ang mga ipinapatupad na quarantine guideline ngunit ipinagdadamot at ubod nang mahal naman ang mga kinuhang bakuna ng bansa.

“It is despicable how this government berates us for not following quarantine guidelines, but makes our vaccine inaccessible and overpriced,” saad niya.

“And it is even worse that the “chief implementor” against COVID-19 is the one protecting this scam,” dadag pa niya.

Aniya, buking na buking na rin ang pagpapatong sa halaga ng mga bakuna.

“There is no point in hiding the truth any longer. Buking na buking na ang overpricing ninyo. We will continue to demand full transparency on the vaccine procurement,” sambit niya.

“Sec. Galvez, you owe us your resignation!” dagdag pa nito.

Ito ay kauganay sa isyung overpriced umano ang mga bakunang makukuha ng ‘Pinas.

Noong nakaraang buwan nang ipakita ni Senador Sonny Angara sa isang pagdinig ang mga presyo ng bakuna.

Ayon sa datos, makikita ang halaga ng Sinovac na P3,629 kada dalawang dose ng bakuna at P2,379 naman sa Pfizer-BioNTech.

Nasa P3,904 hanggang P4,504 naman ang dalawang dose ng Moderna at P610 naman sa AstraZeneca.

Una nang itinanggi ng vaccine czar na may patong ang mga bakuna.

Aniya, hindi maaaring isapubliko kung magkano ibinenta sa atin ng ibang bansa ang kanilang bakuna dahil sa ‘confidentiality agreement.’

“Di po kasi namin pwedeng i-reveal yung prices kasi yun po ang kabilin-bilinan ni [Chinese] ambassador kasi magtatampo po yung ibang countries sa kanila at saka masisira po ang pangalan ng China sa ibang countries,” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?