48

Nov 1, 2017 @ 16:45

Ethics complaints vs Salo, pinaaaksiyunan ni Roque

Pinaaaksiyunan ni outgoing Kabayan Partylist Rep. Harry Roque sa liderato ng Kamara ang kanyang ethics complaints laban sa kanilang second nominee na si Rep. Ron Salo.

“Bago sana ako magbitiw, nais kong kunin ang commitment ng liderato ng Kamara, hindi naman para desisyunan nila agad pero para umandar na,” ayon sa incoming presidential spokesman.

Pitong ethics cases ang inihain ni Roque laban kay Salo noong Enero matapos naman siyang sampahan nito ng disbarment case sa Korte Suprema.

Sabi ni Roque, dahil sa ginawa ni Salo ay hindi ito karapat-dapat na manatili sa Kongreso.

“Even if I cease to be a Representative, Salo’s acts against me were committed when I was still a member of the House and proves that he is unfit to stay in Congress,” ayon kay Roque.

Nagsimula ang iringan nina Roque at Salo nang magbatuhan ng akusasyon ang dalawa tungkol sa umano’y pagkakasangkot sa mga anomalya, pagkalat ng malisyosong mga impormasyon at tangkang pagpapatalsik sa isa’t isa sa kanilang partido.

Noong Agosto, idineklara ng House Ethics Committee na sufficient in form and substance ang mga reklamo ni Roque laban kay Salo.

Pero noong Enero, tinanggal ng Kabayan si Roque bilang kinatawan bagama’t nakabinbin pa ang usapin sa Kamara. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?