9

Jul 16, 2021 @ 17:16
By

Etheridge sinigurong tatalunin COVID

Nagbigay ng update si Philippine Azkals goalkeeper Neil Etheridge ukol sa kanyang kondisyon matapos tamaan ng COVID-19.

Sa Facebook post ng Birmingham FC, pinakita si Etheridge na may oxygen support at patuloy na nagpapagaling sa nakahahawang sakit.

“I’m feeling stronger today. I will put a more detailed message out in due course but I just wanted to let everyone know I’m slowly on the mend,” ayon sa Fil-British.

“I’m so overcome with feeling of thanks that I don’t even know where to start. I’ll put something a little more detailed out soon but all I can say for the time being is… thank you,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?