855

Feb 24, 2020 @ 10:43
By

Ethel Booba ‘sinunog nang buhay’ ang basher

Binigwasan ni Ethel Booba ang isa niyang kritiko na tinawag siyang “walang kwentang artista” at “papansin masyado.”

Pinatamaan kasi ng komedyante si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator Mocha Uson matapos na banatan ang Senado dahil sa umano’y pagliban ng sesyon para matalakay ang isyu ng ABS-CBN franchise renewal.

Tugon ni Twitter user Noy (@julzsingkoh) kay Ethel: “Magtakbo Kana lang senator Ethel dami mo alam iiyak kna ba magsasara na network mo alam mo isa ka ring wala kwenta artista bakit kasi kung San ka nakikinabang doon ka papanig Alangan diba papansin ka masyado”

‘Di ito pinalampas ng komedyante.

“Alam mo bang madami akong guesting sa ABS-CBN na inayawan? Alam mo bang mas malaki ang kinikita ko sa out of town show kesa sa guesting sa TV? Di mo alam yan kasi kahit extra na punong kahoy di ka kukunin sa ano mang show. Charot!,” bira niya kahapon, Pebrero 23.

Komento ng mga netizen, ‘sunog na sunog’ ang basher sa litanya ni Ethel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?