83

Jun 22, 2022 @ 21:43
By

Ethel Booba nagalit, pinagtatapon gamit ni Vice Ganda

Ibinuking ni Vice Ganda si Ethel Booba.

Sa “CARdagulan with Ethel Booba” episode sa YouTube channel, ni Vice, sinabi ni Meme na sa kanilang magbabarkada ay si Ethel umano ang sakit ng ulo nila.

Minsan daw tumira sa condo niya si Ethel ngunit pinagtatapon umano ang mga gamit niya. Nagalit daw kasi sa kanya si Ethel.

“Saan ka nakakita ng best friend mo tumira sa condo mo tapos nung nagalit sa’yo pinagtatapon ‘yung gamit mo sa labas. Ano, ako border?” biro ni Vice na ikinatawa naman ni Ethel.

Depensa naman ni Ethel, ang tagal daw kasing dumating ni Vice at matutulog na siya.

Laptrip ang mga netizen sa bardagulan ng dalawa kasama ang mag-ama ni Ethel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?