137

By

Ethel Booba may hirit sa ‘no term limits’ ni Speaker Gloria

Sharing is caring!

Kilala sa kanyang mga opinyon na idinadaan sa tweets at may comic relief si Ethel Booba.

Ngayong araw (Dec. 8) ay may bago itong banat na may halong kuwela na nakahamig na ng mahigit 1,000 shares at 5,000 likes.

Nagkomento ito sa panukalang “no term limits” para sa mga mambabatas ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

“On GMA’s draft Federal Constitution she includes no term limits on all lawmakers. Wow! Feeling ko nahiya lang sya idagdag na idecriminalize ang graft, plunder and corruption. Charot!” sabi ni Ethel.

Isang netizen na may username na Pol Lisya ang nag-comment ng, “Hindi kailanman mahihiya ang taong wala naman talagang hiya.”

Samantala, pinuri naman ni lovely ness ang opinyon ni Booba, “Pag tumakbo kang senador ethel boboto talga kita!!!”

Sinang-ayunan naman ni Robert ang pahayag ni Ethel, “Nahiya pa siya sa ginawa niya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?