170

By

Ethel Booba: Gawan ng sariling CR ang mga beki, tibo

Nakisawsaw na rin ang komedyanteng si Ethel Booba sa isyu ng isang transwoman na sapilitang pinalabas sa isang banyong pambabae sa isang mall sa Cubao, Quezon City noong Agosto 13.

Sabi ni Booba, “Karamihan ng straight na lalaki naiilang sa CR kapag pumasok ang transwoman. Uncomfortable din sa mga transwoman na mag CR na tinitingnan sila ng mga naiilang na lalaki. Kaya tama lang na gawan ng sariling CR ang mga beki at tibum basta walang glory hole. Charot!”

“We want them na tanggapin ng lahat. Pero dun na tayo sa totoo na sa bansang ito di natin lahat mapipilit na sa loob ng 1 taon or less eh matanggap sila ng buo. Habang dahan dahan na turuan ang lahat eh magandang alternative solution na magkaroon ng CR na di sila maiilang,” dagdag nito.

Hinarangan ng gwardya si Gretchen Custodio Diez, isang transgender woman, na pumasok sa pambabaeng banyo sa Farmers Market sa Cubao kahapon.

Nagreklamo sa security office si Diaz kung bakit hindi siya pinapasok, bitbit ang nakuha niyang video ng pagharang sa kanya, ngunit pinosasan pa siya at dinala sa pulis dahil umano sa pagkuha niya ng bidyo nang walang paalam.

Ipinasa noong 2014 sa Quezon City ang isang ordinansang layong parusahan ang anumang porma ng diskriminasyon sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT+) community, kung kaya agad na nagpahayag ang alkalde ng lungsod ng pagkundena sa insidente.

“Ang Quezon City ay ang unang lungsod na may Gender Fair Ordinance upang protektahan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT+,” ani Quezon City Mayor Joy Belmonte.

“Sa batas na ito, ipinagbabawal ng lungsod ang lahat ng uri ng diskriminasyon, at binibigyan ng proteksyon at paggalang ang dignidad at karapatang-pantao ng lahat, lalung-lalo na ang LGBT+,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?