312
Ethel Booba aprub sa P50M SEAG cauldron 'kung corrupt ang panggatong'
By

Ethel Booba aprub sa P50M SEAG cauldron ‘kung corrupt ang panggatong’

Benta na naman ang komedyanteng si Ethel Booba ngayong nagsalita na siya patungkol sa kontrobersiyal na P50 milyong cauldron na gagamitin para sa Southeast Asian (SEA) Games.

“Sulit ang cauldron kung corrupt officials ang gagawing panggatong sa apoy. Charot!,” tweet ni Ethel kagabi, Nov. 20.

Inulan ng batikos ang tinaguriang “Kalderong Ginto” mula sa publiko, maging sa mga hindi nakapagtimping celebrity.

Tinawag ni Leah Navarro ang cauldron na “unimpressive, ugly, one-time use butane lighter,” habang napa-“What??” naman si Jim Paredes at napa-“Good God” naman si Gretchen Ho.

“Sa gaguhan na ganito napupunta ang buwis natin” naman ang sey ni Agot Isidro.

Ayon kay Senador Sonny Angara, P4.4 milyon ang nagastos para sa disenyo ng cauldron, habang P13.4 ang para sa foundation at P32 milyon para sa construction at installation nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?