42

By

Estudyanteng sinita dahil walang helmet, nakuhanan ng shabu

Arestado ang isang estudyante matapos mabuking sa dalang shabu nang parahin siya dahil sa walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Pasay, Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na 18-anyos na mag-aaral ng Alternative Learning System.

Ayon sa ulat, sinita ang estudyante dahil walang helmet at nang hingin ang kaniyang driver’s license, wala itong maipakita.

Dito na nagsagawa ng body search ang mga pulis sa suspek kung saan nakuha sa kaniya ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may markang “RMB”.

Binitbit siya sa Pasay Police headquarters habang hinihintay ang kasong isasampa sa kaniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?