320

May 14, 2018 @ 15:46
By

Estudyanteng rapist nadakma sa Maynila

Matapos ang ilang buwang pagtatago sa batas ay nasakote na ng mga awtoridad ang isang 18-anyos na estudyanteng lalaki na nahaharap sa kasong panggagahasa.

Nadakip ang suspek na si John Joshua Revilla ng mga operatiba ng Sta. Ana Police Station 6 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Roberto Quiroz ng Manila RTC Branch 29 dahil sa limang bilang ng kasong rape.

Bago maaresto ang suspek sa bahagi ng J. Posadas St., sa Punta, Sta. Ana ay may nakapagtimbre sa mga pulis na namataan ang suspek sa lugar.

Doon na nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba at nasakote ang binata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?