2,154

Mar 2, 2020 @ 11:16
By

Estudyanteng Pinay speaker sa Oxford

Isang Pilipinang mag-aaral ang napili bilang guest presenter sa World Literacy Summit 2020 na gaganapin sa Oxford University, United Kingdom.

Hulyo 2018 nang pumunta sa Canada ang pamilya ni Jomia Ann Pangilinan, isang Computer Science and Cognitive Science undergraduate student sa York University.

Sa loob lamang ng dalawang taon, naging Youth Settlement Counsellor si Mia ng social services group na The Neighbourhood Organization at naging parte ng Toronto Youth Council.

Nitong Mayo 2019, naging Youth Ambassador naman siya ng World Literacy Foundation, kung saan tinulak niyang magkaroon ng solar-powered e-libraries sa mga paaralan sa Uganda.

Sa darating na Abril 7 ng umaga, tatalakayin niya ang kanyang abstract paper na pinamagatang “How Knowing Generational Slang, Code, and Memes Can Change Lives.”

“My presentation will revolve hand in hand with a) World Literacy Foundation and Sun Books technology, b) Youth Ambassador Program of the World Literacy Foundation, and c) how design and diaspora connects the immigrant community of Canada and helps improve the development of functional literacy,” sabi ni Pangilinan.

Sa ngayon, nangangalap ng pinansiyal na tulong si Mia para makadalo sa Summit.

Sabi ng kanyang kapatid sa Reddit: “Sa World Literacy Summit, gusto ni Ate irepresenta ang Fil-Canadian community at ang mga Pilipinong immigrants sa buong bansa. Gusto rin po niyang sa wakas ay magkaroon ng Filipino representation on a global scale ang Pilipinas (ang dami kasing immigrant Filipinos pero hanggang ngayon ay wala pa ring pagkaka-kilanlan sa atin).”

Kung sakali, si Mia ang magiging tanging undergraduate student at isa sa mga pinakabatang kalahok ng Summit.

Sa ngayon, $345 na ang nalilikom niya sa target na $3,500.

Para sa ibang detalye, bisitahin ang link sa ibaba.

https://www.gofundme.com/f/help-me-present-a-paper-at-oxford-university?utm_source=facebook&utm_medium=social&utm_campaign=m_pd+share-sheet

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?