94

Nov 22, 2019 @ 16:22
By

Estudyanteng ni-recruit para maging NPA, nasagip

Na-rescue ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang babaeng estudyante na ni-recruit umano ng Anakbayan upang maging miyembro ng New People’s Army (NPA), Huwebes ng hapon.

Alas-2:15 ng hapon, Nob. 21, nang masagip ang estudyante ng Far Eastern University na si Lerevie Caalaman.

Nailigtas si Caalaman matapos dumulog sa tanggapan ng PNP-CIDG ang ina ng biktma na si Gng. Elvie Caalaman na sinabing sumapi ang kaniyang anak sa nasabing makakaliwang organisasyon.

Base sa salaysay ng ina ng biktima, nag-message sa kanya ang anak noong gabi ng Nobyembre 20 na sinabing nais na niyang umuwi dahil sa nahihirapan na siya sa pamumundok at sinabi nitong madalas ding gamitin ang mga recruit na estudyante sa mga rally upang kondenahin ang pamahalaan.

Ayon sa biktima, bababa sila sa Maynila upang lumahok sa rally sa harapan mismo ng FEU kaya dito na ikinasa ang operasyon.

Matapos ang monitoring at surveillance operation ay itinuro ng ginang sa mga awtoridad ang kanyang anak kaya agad itong iniligtas ng mga operatiba buhat sa hanay ng mga raliyista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?