284
Estudyanteng nag-viral sa pagtitiis sa pinagtagping kahoy at refill ng ballpen, inulan ng tulong
By

Estudyanteng nag-viral sa pagtitiis sa pinagtagping kahoy at refill ng ballpen, inulan ng tulong

Matapos mag viral ng picture na inupload ng isang guro sa Facebook kung saan ay makikita ang isang estudyante na matiyagang nagsusulat gamit ang isang ballpen na gawa sa pinagtagping kahoy, goma at refill ng ink ay bumaha ang tulong mula sa Department of Education (DepEd) at mga pribadong donor para sa bata.

Matapos ang ilang linggong pagkalat ng naturang larawan sa internet, ang dating improvised ballpen ng bata ay napalitan ng maraming ballpen at lapis.

Maging ang mga kaklase ng batang si Jan Kim ay nabiyayaan ng donasyon.

Puro bago na ang mga gamit ng mga ito sa eskwelahan, hindi lamang ang panulat kundi maging iba pang school supplies tulad ng bag at maging tsinelas.

Labis ang pasasalamat ng mga bata at todo ang ngiti ng mga ito lalo na ng batang si Jan Kim dahil sa tulong na natanggap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?