22,658

By

Estudyanteng huminto sa paglalakad kahit umuulan nang marinig ang pambansang awit kinagiliwan ng netizens

Marami ang natuwa at humanga sa isang estudyante sa Ilocos Sur National High School sa ginawa nitong paghinto sa paglalakad sa kabila ng ulan upang magbigay galang sa pambansang awit.

Sa Facebook post ng kaniyang guro na si Rouenne Marie Ablog, ibinahagi nito na naglalakad umano ang Grade 7 na si Chelsea Angel Rapisura nang pumailanlang ang ‘Lupang Hinirang’ na siyang ikinatigil nito.

“This young girl stopped walking and stood still under the rain during the singing of the Philippine National Anthem. Nice one, ading!” nakasaad sa caption ng post ng guro.

.Marami ang natuwa sa bata at tinawag itong ‘Makabayan girl’.

Kahit umano tinawag na si Chelsea para sumilong ay nanatili pa rin ito sa kinatatayuan hanggang sa matapos ang kanta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?