7

Feb 5, 2021 @ 18:40
By

Estudyanteng balik face-to-face class sa Maynila libre swab test

Target ng Manila City government na ilibre sa COVID-19 test ang mga estudyanteng papasok sa face-to-face class.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, may tatlong RT-PCR machine at dalawang laboratoryo ang lungsod na kakayanin ang demand sa swab test.

“We can offer regularly para magkaroon sila ng peace of mind. We can submit them to swab testing and it can be available for free so as not to add cost to the students,” sambit ng alkalde sa panayam sa ANC.

Noong Miyerkoles ay pinayagan ni Moreno ang limitadong face-to-face class para sa mga medical at allied health program sa University of Santo Tomas.

Sa ngayon ay kasama na rin sa pinayagang mag-face to face class ang University of the Philippines-Manila, Our Lady of Fatima University-Valenzuela at Ateneo de Manila University.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?