37

Jun 3, 2020 @ 12:38
By

Estudyante sa Maynila hinikayat ni Isko na gumamit ng COVID-19 contact tracing app

Hinikayat ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga estudyante sa Maynila na gumamit ng “Stay Safe” COVID-19 contact tracing mobile app.

Sa ginanap na virtual conference sa pagitan ng mga presidente ng iba’t ibang unibersidad at kolehiyo, sinabi ni Moreno na ito ay para ma-monitor ng mga estudyante ang mga lugar kung saan may mga naninirahan na COVID-19 positive para sila makaiwas na pumunta sa lugar.

“Ask your students, your staff, this is a very powerful app herein. Through registration you will be informed real time where there is positive COVID-19, probable, or suspected within your vicinity a few meter, 10 meters, 300 meters, 500 meters, 1 kilometer, and so on and so on,” ayon kay Moreno.

Ayon sa data ng Manila Health Department (MHD) lumalabas na mas marami sa kumpirmadong dinapuan ng COVID-19 ay mula sa edad 18-39.

Nabatid na sa 1,443 COVID-19 positive cases, 563 sa mga ito ang nasa edad 18-39.

“Because of this application, the people will track the presence of COVID19 lalo na ngayong GCQ (General Community Quarantine) and lalo na kung mag-MGCQ (modified general communtiy quarantine) na tayo,” dagdag pa ni Moreno.

Maari umanong mala access anf Stay Safe sa https://manila.staysafe.ph/.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?