55
2 arestado sa pananapak ng traffic enforcer
By

Estudyante pinosasan sa shabu sa Baguio

Timbog ang isang estudyante matapos ang anti-drug bust operation na isinagawa ng Baguio Police sa Purok 1, Pinsao, Baguio City noong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Windle Lango Balatbat, 18, tubong Poblacion, Banaue, Ifugao ng nasabing siyudad.

Ayon sa anti-drug unit ng Baguio Police, nakatanggap sila ng intelligence report na ang suspek ay bago lamang sa Pinsao at diumano’y nagbebenta na ng shabu.

Dito, agad na nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya kaya agad na naaresto si Balatbat.

Nakuha mula sa suspek ang ilang gramo ng shabu, drug paraphernalia, at buy-bust money.

Nakakulong ngayon sa Baguio detention cell ang suspek at kasong anti-illegal drug act ang isinampa laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?