298

By

Estudyante ng PUP, NPA ‘intel officer’ inaresto sa Mindoro

Kinumpirma ng mga awtoridad ang pagkaaresto sa isang university student at sa kasama nitong di umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA).

Nahuli umano ang dalawa na may dalang hindi lisensyadong mga baril.

Kinumpirma ng mga pulis at militar na inaresto ang umano’y rebelde na sina Nadeline Fabon, 21-anyos na umano’y estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) at Reynaldo Malaborbor, aka Ace, dahil sa posesyon ng ilegal na mga baril at pampasabog.

Ayon sa mga awtoridad, wanted umano si Malaborbor at covered ito nv arrest warrant dahil sa illegal possession of firearms sa bayan ng Infanta, Quezon.

Hiwalay na kinumpirma nina Col. Joseph Bayan, hepe ng Occidental Mindoro police, at Army Col. Kit Teofilo, pinuno ng 203rd Brigade, ang pagkaaresto kay Fabon at Malaborbor dakong ala-5 ng hapon noong Sabado sa diumano’y rebel safe house sa bayan ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Nasamsam umano mula sa mga ito ang kalibre .45 at 9mm ba baril at pampasabog.

Ayon sa army officer, si Fabon ay “political instructor” ng NPA at tumutulong umano ito sa extortion ng revolutionary taxes habang si Malaborbor naman ay intelligence officer ng NPA.

Pinabulaanan naman ito ni Casey Cruz, spokesperson ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan na nagsabing nagawa pa umano ni Fabon na magtext sa kaniyang kaibigan dakong ala-una ng hapon noong Sabado upang sabihing sila ay dinukot.

Saad pa ni Cruz, organizer umano ang dalawa ng mga pesante.

“They were there as volunteers to help farmers cope with the effects of dry spell,” saad ni Cruz sa isang interview.

Dinala umano ang dalawa sa bilangguan ngunit hindi inilabas ng Bayan kung saan eksakto dinalanang mga ito.

Mahaharap ang dalawa sa kasong illegal possession of firearms na isasampa sa mga ito sa Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?