482

May 11, 2021 @ 19:46
By

Estudyante naturukan ng 6 dose ng COVID bakuna

Inoobserbahan ngayon sa ospital ang isang 23-anyos na babae matapos itong maturukan ng anim na dose ng Pfizer vaccine dahil sa pagkakamali.

Ayon sa report ng news agency na AGI o Agenzia Giornalistica Italia, mabuti sa ngayon ang kondisyon ng Italian woman sa isang Tuscany hospital matapos itong turukan noong Linggo.

Sa halip na isang dose lang ang mabakuna sa estudyante, nagkamali ang nurse at naiturok ang buong vial, na katumbas ng anim na dose.

Maliban sa Italy, naiulat ang overdose ng Pfizer vaccine sa United States, Australia, Germany at Israel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?