1,318
sunog41
Oct 25, 2019 @ 22:42
By

Estudyante nalapnos sa nagliyab na costume

Nasunog ang ilang bahagi ng katawan ng isang babaeng estudyante matapos sumiklab ang suot niyang costume sa Holy Cross College of Calinan sa Davao City nitong Biyernes.

Yari umano sa abaca ang suot na costume ng 12-anyos na mag-aaral, ayon sa ABS-CBN report.

Sa imbestigasyon, nilalagyan ng decoration ang suot na costume ng biktima sa loob ng kaniyang silid-aralan.

Hindi namalayan na dumikit na sa kandila ang costume ng biktima, na ginamit na pangtunaw sa glue stick para pandikit sa decoration.

Nilagyan pa umano ng spray paint ang costume ng biktima kaya madaling kumalat ang apoy kaya nalapnos ang Grade 7 student. Pinagulong siya at tinakpan ng basang tela.

Bukod sa estudyante, nagtamo rin ng minor burns ang dalawang guro matapos silang yakapin ng biktima.

Kasalukuyan nang nasa Southern Philippine Medical Center ang estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?