13

Oct 14, 2020 @ 15:11
By

Estudyante nahulog sa gusali sa Taguig

Sugatan ang isang Grade 7 student matapos umanong mahulog mula sa ikaapat na palapag ng gusali sa Barangay Western Bicutan sa Taguig City, Martes ng gabi.

Ayon sa ulat, sinabi ng Southern Police District na naiwan sa unit ang magkapatid na 12-anyos at kuya niyang 18-anyos matapos umalis ang kanilang ina para manghiram ng cellphone dakong alas-6:20 ng gabi.

Sampung minuto ang nakalipas, lumabas umano ang kuya ng biktima para bumili ng pagkain.

Nang bumalik ang kuya ng biktima ay nakita na lang nitong dala-dala ng kanilang kapitbahay ang kanyang kapatid na nahulog umano mula sa kanilang residential unit.

Natagpuan ang biktima sa maputik na bahagi ng ground floor malapit sa gusali.

Kasalukuyang inoobserbahan ang biktima sa Ospital ng Makati.

Ayon kay Taguig City Police chief Col. Celso Rodriguez sa ulat ng Inquirer, nakaligtas ang biktima pero nagpapagaling pa sa tinamong injuries mula sa nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?