70

Oct 14, 2021 @ 21:14
By

Estudyante naghanap ng signal natigok

Nasawi ang 19-anyos na estudyante habang naghahanap ng signal ng cellphone sa Calbayog City, Samar.

Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi naghanap ng signal ang biktimang si John Rey Dultra ng Barangay Rizal 1 nang aksidenteng madikit sa active live wire mula sa isang poste ng ilaw kagabi, Oktubre 13.

Walang nakita ang mga rumespondeng pulis na palatandaan na may foul play sa pagkamatay ni Dultra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,