142

Nov 22, 2020 @ 13:39
By

Estudyante na naghanap ng signal para sa module natagpuang dedo, hubad

Isang estudyante sa San Narciso, Quezon ang naghanap ng signal para sa kanyang module. Nakita na lang siyang patay, hubad, at puno ng saksak sa katawan.

Kinilala ang biktima na si Bheanne Banico, 12 anyos, isang Grade 7 student.

Ayon sa lolo ng mag-aaral na si Vicente, sa ulat ng GMA News, umaga ng Nobyembre 20 ay nagpaalam sa kanya ang apo na lalabas para makahanap ng signal.

Nagpunta ang biktima sa masukal na bahagi ng Barangay Punta para makapag-online at makausap ang guro niya hinggil sa module sa klase.

Pero isang oras ang lumipas ay hindi na makontak ni Vicente ang cellphone ni Bheanne. Doon na siya hinanap at nadiskubreng yumao na.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa trahedya. In-autopsy na rin ang bangkay ng estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?