46
jail
Aug 12, 2019 @ 17:58
By

Estudyante kulong sa P142

Swak sa piitan ang isang estudyante matapos holdapin ang isang tindahan ng burger sa Barangay Greater Fairview, Quezon City nitong Lunes ng umaga.

Batay sa report ni PMSg. Roderick Mallanao ng QCPD Fairview Police Station, naganap ang insidente alas-4:20 ng madaling-araw (Agosto 12) sa Angels’s Burger sa Commonwealth Avenue, Brgy Greater Fairview.

Kinilala ang biktima na si Ma. Sharimae Casten Pastor, 22, dalaga, college graduate at crew ng Angel’s Burger.

Naaresto naman ang suspek na si Kenneth Catadman Bersalona, 21, binata, Grade 6 student, merchandiser.

Batay sa pahayag ng nakasaksing si John Bagares Galvinder, 37, bumibili umano siya ng burger nang pumasok ang suspek, sinakal ang biktima saka pinadapa at nagpahayag ng holdap.

Matapos ay saka nilimas ng suspek ang mga barya na nagkakahalaga ng P142 na nakalagay sa tray at isinilid sa dala nitong Samsonite shoulder bag.

Hindi pa nakuntento ang suspek at binalikan ang crew at tinanong kung saan nakalagay ang mga benta nito subalit mabilis na nakatakbo ang biktima at humingi ng saklolo.

Agad namang nadakip ang kawatan ng mga tauhan ng Fairview Police Station na nakilalang sina PCpl. Rodmar Don Brusas, PSr. Sgt. Cyrel Aguitong sa tulong ng mga barangay police na sina Geraldo dela Cruz at Joselito Villona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?