84
Misis nagnenok ng ‘kotse’ sa SM
Jul 23, 2019 @ 15:46
By

Estudyante, kalaboso sa pagnanakaw ng padlock

Swak sa kulungan ang isang 19-anyos na babaeng estudyante matapos mabuking sa pagnanakaw ng mga padlock sa loob ng isang merchandising store sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, Lunes ng tanghali.

Batay sa nakalap na report, naganap ang insidente alas-12:45 (Hulyo 21) ng tanghali sa loob ng merchandising store na matatagpuan sa Eusebio Ave. Barangay Pinagbuhatan, Pasig City nang magreklamo ang negosyanteng si Nahdia Sarip, 34, laban sa kawatang estudyante na si Erica Galang, residente ng Pasig City.

Ayon sa reklamo ng biktima, pumasok ang suspek sa kanilang tindahan at umaktong buyer subalit naghinala sila sa kilos nito kaya minatyagan nila ang suspek hanggang sa mapansin na nagsisilid ng gamit sa loob ng kanyang eco bag.

Upang hindi mahalata ay agad nagtungo sa cashier ang suspek para bayaran ang isang item na wala sa kanyang bag hanggang sa sinita na ito at inaresto.

Nakumpiska mula sa suspek ang anim na piraso ng padlock na nagkakahalaga ng P570 at isang kitchen knife na P15.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa tanggapan ng Pasig PCP 8 at nahaharap sa kasong theft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?