67
Lider ng drug syndicate timbog sa buy-bust sa QC
Sep 13, 2019 @ 19:04
By

Estudyante huli sa pagtutulak ng droga

Naaresto ang isang estudyante at isa pang binata sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Pasay City at Pateros, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, ang naarestong si Jomar Candido, alyas Jomar, 18, student (ALS) at residente ng Barangay 178 sa nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-11:55 ng gabi nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team sa St. Mary St.m Barangay 178 na ikinaaresto ni Candido.

Sinabi ni Yang, binentahan umano ng suspek ng droga si Cpl Cleophas Cabasag na nagsilbing poseur buyer sa lugar hanggang sa narekober ang tatlong selyadong pakete na naglalaman ng umano’y shabu na may timbang na isang gramo at nagkakahalaga ng P6,800 at P500 buy-bust money.

Samantala, alas-nuwebe ng gabi nang dakmain ng mga operatiba ng Pateros Police Station ang suspek na si Marvin Geronimo, alyas Briget, 33, na kabilang sa drugs watchlist, sa ikinasang buy-bust sa E. Quiogue St., Barangay Aguho.

Nakumpiska sa suspek ang P200 buy-bust money at dalawang pakete ng umano’y shabu na sanhi ng kanyang agarang pagkakaaresto.

Sasampahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspect na nakakulong ngayon sa detention cell ng nasabing mga himpilan ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?