141

Estrellado ginapi sina Valdez, Alipayo

Isang rising Wahine star ang bumida sa katatapos lang na ika-5 na Lunad sa Balod 2019 nitong Oktubre.

Tinalo ni Vea Estrallado ng Gubat, Sorsogon ang mga batikang surfer, gaya nina upcoming 2019 Southeast Asian Games Representative Daisy Valdez ng La Union at Ana Mae Alipayo ng Baler nang pagreynahan nito ang shortboard at longboard category.

“Masaya po ako na sa edad ko na ito nakuha ko po ung title kay Ate Daisy. Syempre national team po siya and nagagawa ko na po makasabay. Goal ko po na maging parte ng national team balang araw at maging katulad niya,” sey ni Estrallado.

Samantala, wagi naman para sa Grommets si Benjomar Canon ng Siargao habang vis-a-vis match naman para sa korona ng men’s longboard open ang naganap sa pagitan ng mga Baleriano surfer na sina Mark Aguila at Jeff Dela Torre.

Bumida rin ang isang Baleriano surfer na si Niel Sanchez para sa men’s shortboard open.

Ayon naman kay Lunad sa Balod founder Bidge Villaroya, masayang-masaya ito sa naging magandang takbo at mainit na pagtangkilik sa okasyon ng mga surfer mula sa iba’t ibang panig ng bansa, kaya asahan muli sa susunod na taon ang mas pagagandahin pang torneyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?